Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang Imperyalista sa Europa.
Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan,itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng Hukbong Pilipinong Mapanghimagsik. Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulong Hari ng Katagalugan".
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros,
Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Binaril si Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki noong Mayo 10, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.
2 comments:
Vote for Bonifacio!!
Text information are useful
Mas tapang Boni, mas arti Agui
Post a Comment